Pinatawad na ni Hannah ang mga taong nagkasala sa kaniya kahit pa hindi naman ang mga ito nanghihingi ng tawad, katulad ng ina at mga kapatid ni Daxton. Na kahit kailan ay hindi siya kinausap. Lahat ng mga gamit niya na binili ni Daxton para sa kaniya na hindi niya kinuha ay pinag agawan pa ng mga kapatid nito at pinag awayan. Ni hindi nagkasundo at nag usap na paghatian na lang na maayos hanggang ang ibang damit at gamit ay nagkapunit-punit at nagakasira-sira pa dahil sa paghahatakan nila at walang sino mang gustong magpaubaya. Sa kabila ng mga pagkakataon na pinagtaksilan at hindi pinakita ng pagmamahal ng mga taong malapit kay Daxton, hindi naging hadlang kay Hannah ang pagpapatawad at pagmamahal. Naintindihan niya na ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa iba kundi para rin sa kaniy