Naimbitahan sa isang charity party si Cayden. Kahit ayaw niyang isama si Naomi ay nagpumilit pa rin ito. Ilang araw na ito sa kanila ngunit mukhang wala itong balak na umalis at bumalik sa Madrid. Talagang pinangatawanan nito ang kaniyang sinabi na susuyuin niya ang dating nobyo at gagawin ang lahat para manumbalik ang pagmamahal nito sa kaniya. Isang prestihiyosong party ang nagaganap sa malawak na villa ng isang tanyag at tinitingalang negosyante at philanthropist. Ang paligid ay masaya at puno ng kulay dahil sa mga magagarbong ilaw at dekorasyon na nagpapailaw sa gabi. Naroroon ang mga elegante at mayayamang mga bisita na pusturang-pustura at nakaayos sa kanilang pinakamagagandang kasuotan na talaga namang kanilang pinaghandaan. Ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa mga p