Dahil sa hindi mabilang na trabaho at kinailangan pang lumipad ni Axel patungong Australia para sa negosyo ay ipinasa na muna ni Axel kay Cayden ang pamamahala sa Yawarakai Hada, kaya naman lalong naging madalas pa ang pagkikita nila ni Hannah. Ngayon ay may isa na namang branch ang bubuksan para sa HANNAH'S COLLECTION isang siyudad sa probinya. Pupunta si Hannah, Cayden at ang iba pang kasali sa team para pamunuan ang pagbubukas ng nasabing branch. Maaga pa lang ay nagkita na ang dalawa sa airport sasakay sila ng eroplano para mabilis na makarating sa nasabing probinsiya. Hindi maganda ang pakiramdam ni Hannah ngayon ngunit pinilit pa rin niya ang sarili na sumama dahil hindi naman maaari na wala siya sa okasyon na iyon. Sinisipon kasi siya at dahil doon ay sumasakit ang ulo niya. Hin