"Cayden!" Awtomatikong napaangat ang ulo ni Cayden nang marinig na may tumawag sa kaniyang pangalan. Kanina pa siya nakatitig sa folder na kaniyang binabasa ngunit hindi naman na-absorb ng utak niya ang nilalaman niyon dahil okupado ng iba ang isip niya. "Huh! Tito Axel, why?" tanong niya sa kapatid ng kaniyang ama, ito pala ang pumasok sa kaniyang opisina at tumatawag sa kaniya. "I need you to cover for me. There is an emergency at our branch in Pilar. I need to go there. Can you accompany Hannah for the grand opening of HANNAH'S COLLECTION in Polaris?" tanong ni Axel sa pamangkin. Nabigla naman si Cayden sa sinabi nito. "What? Bakit ako pa, marami namang iba d'yan? Ipagawa mo na sa akin ang lahat huwag lang 'yan," mariing tanggi niya. Kumunot ang noo ni Axel. "Bakit iniiwasan mo b