Bumalik na naman sa dati ang sitwasyon nila Hannah at Cayden. Iniiwasan na naman siya ngayon ng binata dahil sa nangyari sa kanila. Tanggap na niya at sinasanay na niya ang sarili na hanggang doon na lang talaga sila. Hindi na siya nasasaktan ngayon sa pambabalewala nito sa kaniya dahil iyon naman talaga ang nararapat. Sa paglipas ng mga araw, patuloy na nagtagumpay ang HANNAH'S COLLECTION. Naging inspirasyon siya sa maraming tao, lalo na sa mga kababaihan na may mga pangarap na gustong abutin. Hindi niya inaasahan na magbabago ng husto ang buhay niya ng dahil doon. Kaya lang sa kabila ng mga tagumpay sa kaniyang trabaho at ang pagmamahal na nakukuha niya mula sa mga empleyado ng Yawarakai Hada at sa mga tumatangkilik ng kaniyang mga produkto ay hindi maiwasan ni Hannah na makadama pari