Habang pinagmamasdan ni Hannah si Cayden na abala sa pagtatrabaho ay nakita naman niyang seryoso ito sa kaniyang sinabi kanina na trabaho lang ang pinunta nito roon. Napakislot siya ng may biglang sumulpot sa kaniyang harapan. "Ma'am, in five minutes magsisimula na tayo kaya mag-ready na po kayo, " sabi ng isa sa mga staff sa kaniya. "Okay," aniya sabay tango. Pinangunahan na naman siya ng kaba, bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya. "Wardrobe...hairstylist...make up artist... standby... paki-retouch si Mrs. Guillebeaux!" sigaw ng photoshoot director. Huminga muna siya ng malalim bago hinarap ang mga mag-aayos sa kaniya. Isinuot na ang coat sa kaniya, sinuklay muli ang buhok niya at ni-retouch ang make up niya. "Kaya mo 'yan, ma'am!" pagpapalakas ng loob na sabi ni Leri sa kani