Nagpunta si Briella sa ospital para dalawin ang kaibigan hindi niya inaasahan na makikita niya roon si Naomi. Nagakasalubong sila sa pasilyo ng hospital. "Oh, Briella, what a surprise? Bakit ka nandito, may naospital ba sa pamilya mo?" may pag-aalalang tanong ni Naomi. Mabilis na umiling si Briella. "Wala, may dinalaw lang akong kaibigan, ikaw ano'ng ginagawa mo rito? Dito ka ba naka-destino ngayon?" tanong ni Briella, pinagmasadan niya si Naomi, nakasuot ito ng lab coat. "Oo may ginagawa kaming research ngayon sa ospital na ito, two months pa ako na ma-aassign dito. Pauwi ka na ba?" tanong niya kay Briella. "Oo, dinalaw ko lang naman ang kaibigan ko, hindi na ako babalik sa office, diiretso na ako sa bahay," tugon ni Briella. "Hmm... Can I invite you for a coffee? Break time ko kasi