Chapter 30-Bagong Mundo•

3113 Words

"Sir, pinapatawag po kayo ni Sir Draco sa opisina niya." Nilingon ni Cayden ang kaniyang sekretarya. "Bakit daw?" tanong niya. "Wala pong sinabi ang secretary ni Sir Draco sa akin, basta ang sabi lang ay pinapupunta raw po kayo ng Daddy n'yo sa office niya," tugon naman nito. "Okay, sige, pupunta na ako." Iniwan muna niya ang kaniyang ginagawa, tumayo na siya at tinungo ang opisina ng kaniyang ama. Agad naman siyang pinapasok ng secretary nito sa loob. "What is it Dad? Why did you call me?" bungad na tanong ni Cayden sa amang si Draco. Umikot ang swivel chair nito at humarap sa anak. "I want you to handle this contract," sabi nito. Ibinigay nito ang folder na naglalaman ng mga papeles kay Cayden. "What contract is this, Dad?" tanong niya sa ama ng matanggap ang inabot nitong folder.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD