Pagmulat ng mga mata niya, nasa tabi ang Lola Luisa niya. Nag-iiyak siya nang maalala ang mga nangyari sa library. Ang gulong nilikha niya sa kagustuhang ipaalam kay Vincent ang nararamdaman niya para rito. "Si Vincent po?" agad na tanong niya sa lola. "Nasa library pa sila. Nag-uusap-usap sila kung ano ba ang dapat gawin sa nangyari," sagot ng Lola niya. Nalaman niya sa lola niya na nagpaplano ang mga magulang niya at mga magulang ni Vincent na ipakasal sila. Para raw mapagtakpan siya sa kahihiyan. Bagay na alam niyang mas ikagagalit sa kanya ni Vincent. "Huwag ka nang umiyak. Lilipas din ang lahat," sabi pa nito dahil patuloy ang pag-iyak niya. Niyakap siya ng kanyang lola at lalo siyang napahagulgol ng iyak. Pareho pa silang napapitlag nang bigla silang may marinig

