"What? Do you really want to marry me?" tanong ni Vincent at lumakad palapit sa kanya. "Sinisisi mo ko sa lahat! Inaakusahan mo kong pinlano ko lahat ng ito! Pero hindi!" "Kahit ilang beses mo pang ipaliwanag sa akin ‘yan, hindi pa rin kita paniniwalaan, Ella!" mabalasik na sagot ni Vincent at huminto ito sa mismong harapan niya. "Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. Dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot niya at hindi nagbawi ng tingin rito. Kahit halos sasabog na ang puso niya sa kaba at takot na nararamdaman niya. Nanghihina siya pag ganito ito kalapit sa kanya. Tila siya pangangapusan ng hininga. "Are you sure?" Paninigurado nito. "Bakit mo pa kailangang itanong? Sinabi ko na, mahal kita at gusto kong maging Mrs. Dela Merced. Pangarap kong maging

