Chapter-3

1425 Words
Pagmulat ng mga mata niya, nasa isang puting silid siya. “Ella,” tinig ng Mommy niya. “Mommy.” Agad na lumapit ang Mommy at Daddy niya sa kinahihigaan niyang kama. Humagulgol siya ng iyak nang makita ang mga magulang. Naroon din ang Mommy ni Vincent. "Don't cry, hija. Mommy's here. Don't worry," bulong ng Mommy niya at mahigpit siyang niyakap. "You'll be fine, hija," alo naman ng Mommy ni Vincent habang hinahagod ang likod niya. Sinabi ng mga magulang na nawalan siya ng malay sa Vincella Hotel. Kaya itinakbo raw siya ni Vincent sa Doña Feliza Hospital. Sinabi rin ng mga ito na maayos na ang pakiramdam niya. Kailangan lang daw niya ng sapat na pahinga. "I miss you po, Mom, Dad," umiiyak niyang sabi sa mga magulang. Apat na taon siyang nahiwalay sa mga ito. Mabibilang niya sa mga daliri kung ilang beses lang siyang nadalaw ng mga ito sa England. Kaya lalo siyang naging emosyonal nang makita sila. "Stop crying, princess. Makakasama sa iyo ‘yan," tinig ng Daddy niya na nasa likod ng Mommy niya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at suminghot. Niyakap niya ang mga ito. "I miss you, Dad." "Miss you too, princess." Matapos ang isang oras, pinayagan na siyang lumabas ng ospital. Wala naman daw siyang sakit. Tanging pagod lang ang dahilan ng pagkawala niya ng malay kanina. Kailangan lang daw niyang magpahinga, huwag masyadong mag-isip, at kumain nang tama. Iyan ang bilin ng doktor bago siya tuluyang lumabas ng ospital. "Si Vin— Vincent po?" halos pabulong niyang tanong. Mula nang magising siya, hindi pa niya ito nakikita. Alam niyang si Vincent ang nagsugod sa kanya sa ospital. Dahil bago siya nawalan ng malay, nakita pa niyang nasalo siya nito bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. "Bumalik na siya ng hotel," sagot ng Daddy niya. Hindi niya maiwasang malungkot. Tila hindi man lang nag-alala sa kanya si Vincent. Basta na lang itong umalis ng ospital at iniwan siya, nang hindi man lang inaalam ang kalagayan niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? "Umuwi ka na muna sa bahay habang wala pa ang asawa mo. Doon ka na muna magpahinga," malambing na sabi ng Mommy niya. Muntik pa siyang mapangiwi sa sinabi ng ina. Asawa? Oo, asawa nga niya si Vincent. Pero hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. Kinasusuklaman siya nito. Kinasusuklaman siya ng lalaking sinasabi ng mga itong asawa niya. "Oo nga naman, hija. Doon ka na lang sa bahay n’yo. Susunduin ka ni Vincent mamaya," dagdag pa ng Mama ni Vincent. "Ho?" tanging nasabi niya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. "Bakit po ako dinala ni Vincent sa bahay niya kanina? Ano pong ibig sabihin no'n?" Alanganin niyang tanong sa mga ito. Napansin niyang nagkakatinginan ang mga ito. "Hija, asawa mo si Vincent. Normal lang na dalhin ka niya sa bahay n'ya. Bahay ninyo," sagot ng Mama ni Vincent. "Pero hindi po kami pwedeng magsama," mabilis niyang sagot. "We can talk about this sa bahay na lang," sabat ng Mommy niya. "But Mom, I—" "Ella, kailangang mong magpahinga. Don't think about it. Vincent will take good care of you. He is your husband," abat ng Mama ni Vincent at hinalikan pa siya sa noo. "But... I mean—" "Don't think about it, hija," putol ng Mama ni Vincent sa sasabihin pa sana niya. At mabilis na itong nagpaalam sa kanila. "Ma, Dad, ano po bang nangyayari?" tanong niya nang makalayo na ang Mama ni Vincent. "Ella, anak, Vincent is your husband. Kailangan n’yo nang magsama gaya ng normal na mag-asawa," sagot ng Daddy niya. "What? Why?!" Malakas niyang tanong sa ama, gulat na gulat. Hinawakan naman siya ng Mommy niya, marahil nag-aalalang mawalan na naman siya ng malay. "Ella! Mag-asawa kayo ni Vincent. Tama lang na magsama kayo," sagot ng Daddy niya. "Mamaya na natin ‘to pag-usapan. Babalik pa ako ng hotel," dagdag pa ng ama. Nasa himig nito ang galit na pinipigilan. "But Dad, I don't—" "Mariella, please! Drop it!" Ang awtoridad na putol ng Daddy niya sa pangangatwiran pa sana niya. Alam niya ang tono na ‘yon. At kapag binanggit na ng Daddy niya ang buong pangalan niya, alam niyang iyon na ang final word nito. Nagkibit-balikat na lang siya at padabog na sumakay sa kotse. Binati siya ng family driver nila. Ngumiti siya rito kahit papaano. At muling sinulyapan ang Mommy’t Daddy niya. Tila nagtatalo ang mga ito. Alam niyang siya ang dahilan ng anumang pinagtatalunan ng mga magulang niya ngayon. At nakakaramdam siya ng guilt. Pagpasok nila sa malaking gate ng bahay, ginala niya ang mga mata sa paligid. Na-miss niya ang bahay nila. Sa tagal na niyang hindi nakakauwi roon. Wala namang pinagbago ang bakuran—nadagdagan lang ng isa pang gazebo at dumami ang mga bulaklak sa paligid. Apat na taon man niyang hindi nakita ang bahay nila, ganoon pa rin ang pakiramdam niya sa bahay. She's still welcome. Sa kusina siya kaagad dinala ng Mommy niya. May nakahanda nang mga pagkain doon. "Kumain ka na muna, hija." "Mom, pinabalik po ba ako ni Daddy rito dahil kay Vincent?" tanong niya, hindi pinapansin ang mga pagkain sa harapan. "Ella, hija," simula nito. Naupo ito paharap sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Sa tingin ng Daddy mo, sapat na ang apat na taong magkahiwalay kayo ni Vincent. Iniisip naming baka ngayon, pwede na kayong magsama." Malumanay ang paliwanag ng ina. "No, Mommy! Hindi pa sapat ang apat na taon para mawala ang sakit na dinanas ko kay Vincent!" Sigaw niyang sagot, kasabay ng pagtulo ng mga luha. Binawi niya ang kamay na hawak ng Mommy niya. "Ella, anak, calm down. Makakasama sa kondisyon mo ‘yan," may pag-aalala sa tono nito. "Masaya na ako sa England with Lola. Halos nakakalimutan ko na nga ang naging buhay ko dito sa San Miguel! Pero ano? Heto kayo’t pinabalik n’yo ako? Para ano? Magsama kami ni Vincent na parang walang nangyari apat na taon ang nakalipas? Hindi ko kaya!" Umiiyak niyang sigaw. Nais niyang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman. "Hindi ko kayang makasama pa si Vincent bilang asawa ko! Hindi ngayon, o kahit kailan. Hindi na kami maaaring magsama pa ni Vincent!" Sigaw niya habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Ewan niya, naiinis siya sa sarili. Dahil umiiyak siya lagi pagdating kay Vincent. Kung bakit hindi niya mapigilan ang mga luha pagdating kay Vincent. "Ella, calm down, hija," alo ng Mommy niya at nilapitan siya at niyakap. "I don't want it!" Paulit-ulit niyang sinasabi habang humahagulgol, nakayakap sa ina. "Ssshh... stop crying, honey. Mommy's here. I'll talk to your Dad tonight, okay?" bulong nito. "I can't live with him," umiiyak niyang patuloy. Hindi pa siya handang makasama si Vincent sa iisang bubong. Hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang malaking sugat na binigay ni Vincent sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magsama sila. O mas mabuting sabihin na hindi na sila dapat pang magsama ni Vincent bilang mag-asawa. Dahil pareho lang nilang sasaktan ang isa’t isa. Pagkatapos niyang kumain, kaagad siyang nagpaalam sa ina para magpahinga. Hindi na siya sinamahan nito sa taas dahil tatawagan daw nito ang Daddy niya sa hotel. Alam niyang siya at si Vincent ang pag-uusapan ng mga ito. At alam niyang binibigyan niya ng problema ang mga magulang. Pagdating sa silid, bumungad sa kanya ang kulay pink na silid. Her pink room. Pink ceiling, wall, cabinet, curtain, lampshade—everything is pink. Naupo siya sa malaking kama na pink din ang sheet cover at mga pillows. She missed her room. Kung gaano niya na-miss ang dating buhay ay ganoon din niya ka-miss ang sariling silid. Bago siya nahiga, nagbihis muna siya. At naalala ang nangyari sa airport. Aksidente niyang natapon ang kape sa sahig kanina. Tiningnan niya ang mantsa sa skinny jeans at mabilis na hinubad iyon, pati ang white top na nagpapakita ng magandang kurba ng maliit niyang bewang. Undies na lang ang suot niya nang maalalang nasa bahay na pala ni Vincent ang mga gamit niya. Pagbukas niya ng cabinet, andoon pa rin ang mga dati niyang damit. Pero natatakot siyang baka sa tagal na ng mga damit niyang iyon na nakahanger, mangati siya. Kaya bumalik na lang siya sa kama at nahiga na. Pagod na siya. Kailangan niyang magpahinga sa kaiisip kung anong mangyayari sa kanya pag pinilit ng mga magulang na magsama na sila ni Vincent bilang mag-asawa. Ayaw na muna niyang mag-isip. Basta ano man ang mangyari, hindi siya makikisama kay Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD