“Ella,” bulong niya at marahas na nilamukos ang mukha.
Mula nang makita niya si Ella kanina sa airport, hindi na ito nawala sa isip niya.
Yung mga mata nito maulap, parang kakatapos lang umiyak. Yung mga labi natural na mapula, nakabuka nang bahagya na parang nag-aanyaya. Yung katawan payat, pero may kurba. Naka-white top ito kanina na halos lumitaw na ang pusod, at brown na skinny jeans na bumakat sa hita. Magulo ang buhok nito na nakapusod, pero bagay na bagay sa kanya.
At pansin din niya kanina sa airport ang mga mata ng ibang lalaki. Kung makatingin kay Ella, parang hinuhubaran na. Gusto niyang sapakin lahat. Asawa niya iyon. Asawa niya.
“Damn it!” Napamura siya nang may kakaibang init na gumapang sa loob ng slacks niya.
Ngayon, nakabalik na ito. It’s payback, Mrs. dela Merced. Nagngitngit ang mga ngipin niya.
Sa tuwing naaalala niya ang ginawa ni Ella ang pag-alis sa mismong gabi ng kasal nila lalo lang tumitindi ang galit niya. Iniwan siya nito sa ere. Siya lahat ang humarap sa mga tanong. Siya ang humarap sa kahihiyan sa harap ng mga kamag-anak, sa harap ng buong San Miguel.
Hindi niya maintindihan kung bakit ito umalis bigla. Kung bakit nagpakasal pa ito sa kanya kung tatakasan din lang naman pala siya pagkatapos.
Hindi niya matanggap ang kahihiyan na ibinigay nito sa kanya.
Ngayon, nakabalik na si Ella. At kailangan nitong magbayad. At ang katawan nito ang katawang iyon na hindi niya makalimutan kanina iyon ang sisingilin niya.
Isipin lang ang katawan ng asawa ay may kakaibang init na siyang nararamdaman. Ganoon na ba siya kasabik? Apat na taon niyang sinubukang kalimutan si Ella. Pero isang sulyap lang kanina, gusto na niya itong angkinin at ikulong sa kwarto nila hanggang makalimutan nito ang salitang pag-alis.
Desperado na ba siya? Sa sarili niyang asawa? Sa babaeng nanira ng pangalan niya?
Oo. At ayaw niyang isipin kung bakit.
Determinado siya. May babayaran si Ella, at katawan nito ang kabayaran. At nakatali itong ibigay ang hinihingi niya.
Nang biglang tumunog ang intercom, bumalik siya sa realidad. Ang sekretarya niya pinapatawag daw siya ni Mr. Ynarez sa opisina nito.
Alam na niya kung bakit. Alam niyang pag-uusapan nila ang pagbabalik ni Ella.
Bumuntong-hininga siya at inayos ang sarili bago lumabas ng opisina.
---
"Ella is still upset and crying," malungkot na simula ni Mr. Ynarez pagpasok niya sa opisina nito.
"My wife asked me to stop this. Nag-aalala siya kay Ella. But... she's your wife now. The decision is in your hands, Vincent," patuloy nito.
"Pinabalik ko siya ng bansa dahil para sa akin, kailangan n'yo nang magsama ng anak ko bilang mag-asawa. Sa tingin ko, sapat na ang apat na taon para maghilom ang ano mang sugat," patuloy ni Mr. Ynarez.
Napalunok siya habang nananatiling nakikinig.
"Maipapangako mo ba sa akin, Vincent, na hindi mo sasaktan si Ella?" Seryosong tanong nito sa kanya. Tinitigan siya nito sa mga mata.
Tumigas ang likod niya at sinalubong ang mga mata nito. Sa tingin niya, punong-puno ng lungkot ang mga mata ni Mr. Ynarez. Tila nadagdagan ang edad nito dahil sa lungkot at pagod sa mukha.
"Yes, sir. We're going to start all over. We still have much time to fix things we both messed up," sagot niya.
Iyon din naman ang nais niya. Ang makapagsimula silang muli ni Ella. Mag-asawa pa rin sila. Kasal sila. Ano man ang dahilan ng pagpapakasal nila, dala pa rin ni Ella ang apelyido niya.
"I know you won't hurt her, Vincent. I trust you. Don't give me another mistake. I made a mistake when I forced you to marry my daughter," emosyonal na sabi nito at tumingin sa labas ng bintana.
"What do you expect? Ama lang ako na tanging nais ay mapabuti ang anak ko. Ang pakasalan siya noon ang inakala kong solusyon para hindi makaladkad sa kahihiyan ang anak ko. Pero hindi ko inaasaang gagawin niya ang ginawa niyang pag-alis sa gabi mismo ng kasal n'yo," seryosong sabi nito.
Tumigas ang panga niya sa ala-ala ng kahihiyan na ibinigay ni Ella sa kanya at sa mga magulang nila. Kahihiyan na siya ang humarap. Hindi niya maiwasang maikuyom ang kamao sa galit na naramdaman para kay Ella.
"Can you make a promise, Vincent?" tanong nito at humarap sa kanya, nakatayo sa tabi ng mesa.
"Promise me, Vincent. Hindi mo na siya hahayaang umalis ulit. At sana... magawa mo siyang mahalin. Baka sakaling maayos pa ang kasal n'yo kung mamahalin n'yo ang isa’t isa. Ayokong pagsisihan ito ulit, Vincent. Malaking parusa sa akin ang pag-alis ni Ella noon," pakiusap nito sa kanya.
Kitang-kita ang lungkot, pagsisisi, at sakit sa mga mata nito.
Bumuntong-hininga siya at tumango, kahit hindi siya sigurado. If love can survive their marriage? Kung may pagmamahal nga bang kasama sa pagsasamang gagawin nila?
Basta ang alam niya, gusto niyang makasama ang asawa. Upang gampanan nito ang papel bilang asawa niya. To fulfill her duty... in his bed. Iyon ang tanging nasa isip niya mula nang makita ang asawa.
Matapos nilang mag-usap ni Mr. Ynarez, sinabi niyang susunduin na niya si Ella sa bahay ng mga ito. At niyaya na rin siya nitong mag-dinner sa bahay ng mga ito.
Pagdating sa bahay, sinalubong kaagad sila ni Mrs. Ynarez.
"Good evening, Mrs. Ynarez," magalang niyang bati sa magandang Mommy ni Ella. At humalik pa sa pisngi.
"Good evening, handsome," malambing na bati rin ni Mrs. Ynarez sa kanya.
"Where's Ella?" tanong ni Mr. Ynarez sa asawa nito.
"She's in her room. Papatawag ko na lang sa maid."
"No. Let me call her," prisinta niya.
Nagkatinginan ang mag-asawa bago sumagot si Mr. Ynarez. "Turn left. The second door," turo ni Mr. Ynarez sa silid ni Ella.
Tumango lang siya at lumakad paakyat sa malaking hagdan.
Pagdating sa taas, kumatok siya. Pero nakakailang katok na siya, wala pa ring sumasagot. Kaya dahan-dahan na niyang binuksan ang pinto.
Medyo madilim sa loob. Dim light lang ang ilaw ng lampshade, pero naaaninag niya ang loob.
At doon niya nakita ang asawa—nakahiga sa kama, itim na underwear lang ang suot.
Napalunok siya. Paulit-ulit.
Humakbang siya palapit sa malaking kama at pinagmasdang mabuti ang asawa. Nakatagilid ito, nakadikit ang makinis na mga hita. Sa ilalim ng mahinang ilaw, bakat ang kurba ng katawan nito mula balikat hanggang beywang. Ang labi nito, bahagyang nakabuka.
Hindi siya makahinga. Sa apat na taon, ito ang unang beses na nakita niya si Ella nang ganito kalapit. Nang ganito... kanya.
Naramdaman niya ang pag-init ng katawan, ang pag-igting ng panga, ang paghigpit ng kamao.
"Ella," bulong niya.