Pakiramdam niya, may nakatingin sa kanya.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nangapa muna sa dilim bago niya naaninag ang isang anino sa paanan ng kama.
Malabo. Pinilit niyang imulat nang husto ang mga mata.
At halos mapatalon siya nang makilala kung sino.
Si Vincent. Nakatayo sa paanan ng kama.
Bumalikwas siya ng upo, nanlalaki ang mga mata. Si Vincent, titig na titig din sa kanya.
Naka-white long sleeves ito, nakataas ang manggas hanggang siko. Magulo ang kurbata, parang hinila lang at hindi na inayos. At aaminin niya—kahit sa mumunting liwanag mula sa lampshade, lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito.
Kahit halatang pagod, may dark circles sa ilalim ng mga mata, mas tumalas pa ang panga nito. Mas dumilim ang tingin. Mas... delikado.
"What are you doing here?" gulat niyang tanong. Kailangan niyang magsalita para hindi niya tuluyang suriin ang kaharap. Nadi-distract siya sa gwapong asawa.
"Dinner's ready. I was about to call you," sagot nito.
Yung boses—baritono, medyo paos, parang bagong gising—naghatid ng kilabot sa batok niya pababa sa gulugod.
"Why the hell are you here?" galit niyang tanong para matabunan ang kaba. At napansin niyang pasulyap-sulyap ito sa katawan niya.
Doon niya lang narealize.
Mabilis niyang niyuko ang sarili.
"Aaaahhhh!"Nagsisigaw siya at mabilis na hinila ang kumot, binalot ang sarili hanggang baba.
Nawala sa isip niyang itim na underwear lang ang suot niya.
"s**t," bulong na mura niya sa sarili.
"Get out! You pervert!" Sigaw niya nang paulit-ulit. Pero nanatili pa rin ito sa kinatatayuan, nakatitig sa katawan niyang nakabalot na ng kumot. Parang wala itong pakialam sa mga sigaw niya.
Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi. "Are you deaf? I said get out! Get the hell out of my room!" Galit na sigaw niya ulit. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kumot.
"Bakit ko naman gagawin ‘yon kung gusto ko ang nakikita ko rito?" Seryosong sagot nito at ngumisi.
"Kanina mo pa ba ako tinitingnan?"
"Enough to realize na ang asawa ko pala ay may magandang katawan," nakangising sagot nito.
Kinilabutan siya sa sagot nito. Lalo na nang idiin pa nito ang salitang ,asawa.
Hinila niya ang isang unan at mabilis na ibinato iyon dito. Pero nasalo naman nito ang unan bago pa tumama sa mukha nito.
"You are nothing but a pervert! You maniac!" Galit na galit na sigaw niya. Namumula na siya sa galit at kahihiyan.
"Well, sorry, this pervert, maniac is your husband! Tumayo ka na d’yan. Pagkatapos ng dinner, uuwi na tayo," sagot nito.
"Uuwi tayo?" Ulit niya sa huling sinabi nito. At biglang naalala ang sinabi ng Daddy niya—na kaya siya pinauwi ay dahil gusto nitong magsama na sila ni Vincent bilang mag-asawa.
"The h*ll no!" Galit niyang sigaw.
At wala sa isip na inalis niya ang kumot na nakatakip sa katawan at bumaba ng kama para harapin si Vincent.
"No way! In your dreams na sasama ako sa iyo sa bahay mo! Hindi ako bumalik ng San Miguel para lang makasama ka! At wala akong balak tumira sa bahay mo! Lalong wala akong balak makasama ka! Get out of here! Go to your damn home! Leave me alone!" Galit na galit na sigaw niya rito. Halos magwala siya sa harapan nito para lang ilabas ang sama ng loob.
Pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Walang makitang anumang emosyon. Samantalang siya, halos sumabog na sa galit.
"You heard me, right? Get out! I know what you and my Dad planned! Well, I'm sorry, Mr. dela Merced! Hindi mo ako mapipilit na sumama sa iyo! Hindi mo ako mapapatira sa bahay mo!" Ang galit na galit na hiyaw pa rin niya rito. Taas-baba ang dibdib niya sa galit.
"Bakit ba hindi ko napansin dati kung gaano kaganda ang katawan mo," sagot nito. Parang hindi nito narinig ang lahat ng sinabi niya kanina.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Alam niyang kitang-kita na nito ang katawan niya. At aaminin niyang may kakaibang kilabot siyang nararamdaman sa bawat tingin ni Vincent sa katawan niya. Kakaiba na hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya.
"Oh, God. I can't believe you, Vincent," bulong niya at bumuntong-hininga.
Sinulyapan niya si Vincent. Kitang-kita niya ang hindi maitagong pagnanasa sa mga mata nito.
Hindi na niya tinakpan pa ang katawan. Alam niyang kahit papaano, napapahirapan niya ito. Sa ganoong paraan, nakakaganti na siya rito.
Sanay na siyang makita ng iba naka-swimsuit. Sa England, lagi siyang nasa beach kasama ang mga kaibigan. At wala siyang pakialam kung makita siya ng ilang lalaki roon. So what? Hindi naman nila ako makukuha. Iyon ang madalas niyang sabi sa sarili kapag naiinis siya sa mga tingin na parang gusto siyang lamunin nang buo.
Pero ang tingin ni Vincent, iba.
Isipin lang niyang nahihirapan ito ay natutuwa na siya. Isama pa ang kakaibang kilabot na hatid nito sa buong katawan niya.
"You're damn sexy, Ella. I guess, sapat na ang apat na taon na paghihintay ko," sabi nito na nagpakunot ng noo niya.
Humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras siya.
"What are you talking about?" Kunot-noong tanong niya.
Aminin man niya o hindi, kinakabahan siya lalo na’t patuloy pa rin ito sa paglapit at paatras naman siya para maiwasan ito. Hanggang sa maramdaman niya ang kama sa likod ng mga tuhod niya.
"Damn," mura niya sa sarili.
"Stop!" Tili niya at hinarang ang mga kamay sa dibdib nito para pigilan ito sa paglapit. Pero para siyang napaso at mabilis na binawi ang mga kamay.
"What?" tanong nito. At bigla siyang hinila sa beywang.
Napasinghap siya nang bumunggo ang halos hubad niyang dibdib sa matigas na dibdib nito. Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa beywang niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa mga mata nitong puno ng pagnanasa.
Mabilis siyang nagbawi ng tingin at muling nagpumilit kumawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.
"Let me go!" Nagpumiglas siya. Pero lalo lang siyang idinidiin ni Vincent sa katawan nito.
Nararamdaman niyang humihigpit ang mainit na palad nito sa beywang niya. Naghahatid ng bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. At ang isang kamay nito, itinaas ang baba niya para magpang-abot ang mga mata nila.
"May utang ka sa akin, remember?" Bulong nito. Halos maramdaman na niya ang mainit na hininga nito sa pisngi niya. Nalalanghap din niya ang masculine na pabango nito—pamilyar, nakakalunod, at nagpapalakas ng s*x appeal nito na talaga namang nakakabahala na sa kanya.
May kung anong ginigising iyon sa kaibuturan niya. Isang bagay na hindi niya mapangalanan. Hindi niya maintindihan. Pero alam niyang delikado.
Iba talaga ang dating ni Vincent sa kanya. Nagagawa pa rin nitong patalunin ang puso niya. At maramdaman ang kakaiba sa katawan niya.
"Let... me go! Wala akong utang sa iyo!" Nakuha niyang sabihin habang halos hindi na siya makahinga sa kaba at sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
"No, sweetheart. You owe me a honeymoon."
Sa sinabi nito, ibinuka niya ang bibig para magprotesta, pero walang salitang lumabas sa mga labi niya.
Dahil tinakpan iyon ng mga labi ni Vincent.
Nanlalaki ang mga mata niya habang nagpupumilit ang mga labi nito sa mga labi niya. Nagpumiglas siya at pilit na kumakawala rito. Pero mahigpit ang hawak nito sa beywang niya. At ang isang kamay naman nito, pinipigil ang mukha niya sa pag-iwas.
At nararamdaman din niya ang tigas ng katawan ni Vincent na dumidiin sa kanya. Lalong nagpapatindig ng balahibo niya.
Magaspang at may galit ang uri ng paghalik nito. Nasasaktan siya. Pakiramdam niya, balewala kay Vincent kung masaktan man ang mga labi niya. Hinahalikan siya nito nang walang ingat. Na para siyang hindi asawa nito.
Biglang tumulo ang mga luha niya.
Alam naman niyang hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. At kahit kailan, hindi niya makukuha iyon kay Vincent. Hindi siya kailanman matuturing nitong asawa, dahil galit ito sa kanya at higit sa lahat, hindi siya mahal nito.
Kaya ganito siya tratuhin parang basahan. Walang ingat kung gamitin.
"Damn!" Mura ni Vincent at tinulak siya.
Natumba siya sa malambot na kama. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang pumatak at sinulyapan si Vincent.
Nakita niya sa mga mata nito ang galit at pagnanasa—magkahalo, magkasalungat, pero parehong nakakatakot.
"Don't you dare do that again! Don't touch me again! Don't kiss me again!" Galit na hiyaw niya. Taas-baba ang dibdib niya sa galit rito.
"Why not? You are my wife," sagot nito. Na para bang lason sa bibig nito ang salitang. wife.
"Oo! Kasal tayo, pero sa papel lang ‘yon! Wala kang karapatang halikan ako! Hindi tayo totoong mag-asawa!" Sigaw niya rito. Kung may dapat magalit ngayon, siya iyon. Dahil sa walang ingat nitong paghalik sa kanya.
"Why not?! May lover ka bang naiwan sa England?" Tanong nito at tinapunan siya ng matalim na tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin nito, marahil kanina pa siya nakabulagta.
"Answer my question! May lover ka ba?" Muling tanong nito na halos maglabasan na ang mga ugat sa leeg.
Nagtaas siya ng mukha at sinalubong ang galit na mga mata nito. Taas-noo siyang sumagot.
"YES!" She lied.
At bigla niyang naramdaman ang matigas na kamay nito sa braso niya.
"Ano ba?"
"Who the hell is your lover?"
"Let me go! Nasasaktan ako!"
"Answer my question! Damn you!"
"Aray... Vincent!" Hiyaw niya habang namimilipit sa sakit. Pakiramdam niya, bumaon na lahat ng daliri nito sa braso niya sa higpit ng pagkakahawak nito. Isama pa ang mabalasik na anyo nito habang nakatunghay sa kanya, naghihintay ng sagot.
Nais niyang pagsisihan ang pagsisinungaling rito dahil sa nakikitang galit sa mukha nito. Na tila ba handa siyang patayin nito anumang oras.
"Sino?!" Sigaw nito na nagpapitlag sa kanya.
"He is... my... He's Patrick. One of my friends. I met him be—"
"Shut up!" Sigaw nito. Hinigpitan lalo ang pagkakahawak sa braso niya.
"Aray, Vincent. Nasasaktan ako!"
"Break up with that damn asshole! You're married, for God's sake! Damn you!" Mura nito sa kanya.
"How can you do that?" Galit na tanong nito habang halos magbabasagan na ang mga ngipin nito sa galit, at lumuwa ang mga mata sa panlilisik.
"Why? You did the same thing! I know you are still with Caroline! And—"
"Huwag mong ibalik sa akin ang sinasabi ko!" Mabalasik na putol nito sa sasabihin pa sana niya.
"From now on, you can't leave the country! Tell that asshole na kasal ka na. Isa ka nang Mrs. dela Merced!" Tagis-bagang na utos nito, hindi mapigilan ang galit.
"If I don't?" Hamon niya at tinaas ang mukha para salubungin ang galit na galit na mga mata nito. Nais niyang magmukhang matapang. Sinimulan na rin niya ang kasinungalingan at tatapusin niya.
"Don't push me, Ella! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Banta nito at hinagod siya ng tingin.
Nanginig ang buong katawan niya.