"Is that a threat?" Taas-noo niyang tanong kahit nanginginig ang mga daliri niya sa gilid ng kumot. "Why? Are you afraid?" Balik-tanong nito. Walang emosyon ang boses. Malamig. Parang hindi siya tao. Hinila siya ni Vincent sa braso. Yumuko ito, dire-diretso ang tingin sa mga labi niya. Mabilis siyang umiwas at buong lakas na itinulak ito palayo. "I hate you!" Buong pagkasuklam na sigaw niya rito. "Get dressed. We’re leaving after dinner." Walang galit. Walang inis. Parang nag-uutos lang sa katulong. Iyon ang mas masakit. Nag-angat siya ng ulo at nagbuka ng bibig para magprotesta ulit. Pero bumuntong-hininga na lang siya. Alam niyang walang saysay kung makikipagbangayan pa siya rito. Hindi siya mananalo rito. Hindi kailanman. "See you downstairs." Iyon lang. At

