Wedding Day; Nakangiti siya paglabas ng bridal car sa may gilid ng Vincella Garden. Kung saan inayusan ang malawak na hardin at ginawan ng altar sa may dulo. Ang Mommy at Mama ni Vincent ang nag-ayos ng lahat. Ang mga ito ang pumili sa garden wedding. Dahil kung siya, mas pipiliin pa rin niyang maikasal sa simbahan ng San Miguel. Pero dahil hindi na nakialam pa si Vincent tungkol sa kasal nila, hindi na rin siya nakialam pa. Isama pa na minadali ng mga magulang ang kasal. Sa loob lang ng isang linggo, na-set na ng mga ito ang kasal, at maya-maya lang, isa na siyang ganap na Mrs. Michael Vincent Dela Merced. Isang linggo na rin niyang hindi nakikita si Vincent mula nang mangyari ang halikan nila sa pool. Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na nagparamdam pa si Vincent at buong aka

