Lumakas ang kaba niya habang papalapit siya sa dalawa. Pakiramdam niya, sasabog na ang dibdib niya sa kaba at sakit. Bawat hakbang niya palapit sa mga ito, tumutulo ang mga luha niya. Na hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan. "I know you still love me, Vincent! I know na hindi mo siya mahal! Let's start over?" Mula sa kinatatayuan niya, narinig niya si Caroline. At napahinto siya sa paglapit sa mga ito. Tinakpan ang sariling bibig upang huwag kumawala ang mga hikbi. "She's too young and hindi siya ang babaing nababagay sa iyo, Vincent!" Dagdag pa ni Caroline. Muli siyang humakbang para makita nang mas malapitan ang dalawa. Kitang-kita niya nang hawakan ni Caroline ang asawa sa kamay, habang nanatiling walang kibo ang asawa. Pakiramdam niya, pinagsasaksak ang puso niya

