Chapter one hundred thirty AVIANA’S POV’S Nahanap ko yung ospital kung saan nakaconfine si Jake, kaya kinaumagahan agad akong pumunta. Hindi ako nagdalawang isip pa na puntahan siya lalo at alam kong wala naman siyang kasama. Pagpasok ko sa kwarto niya naabutan ko siyang natutulog, may mga galos siya sa mukha. Tinanong ko yung nurse kung anong lagay ni Jake at ang sabi okay naman siya sa lahat ng test niya, galos at sugat lang ang natamo niya sa aksidente. Nabangga daw ang motor na sinasakyan niya habang nasa trabaho, yun kase ang alam ng nurse na humahawak kay Jake, kaso hindi nila alam kung saan siya nagtatrabaho. Nacurious tuloy ako, nakamotor siya? Habang nagtatrabaho? Hindi kaya nagdedeliver siya? Binantayan ko na lang si Jake habang natutulog, may dala akong prutas at mga pagk