Chapter one hundred twenty nine. AVIANA’S POV’S Inobserbahan ko sila Lance at Fhaida, nakikiramdam lang ako tuwing magkasama sila sa bahay. Ang tahimik ni Lance, hindi ko alam kung bakit. Naiwan si Fhaida sa may kwarto niya, napasilip ako kung bakit mag isa lang ni Lance na lumabas, natutulog pala si Fhaida. Nakarinig ako kanina ng iyak na galing sa kwarto nila, mukhang nag away sila Lance at Fhaida, nagwalk out itong kapatid ko at sumakay ng sasakyan. Saan naman kaya punta niya? Open yung location ng phone ni Lance at alam ko yun itrack. Tinawagan ko agad si Steffy para puntahan si Lance. Sinundan ko ang kapatid ko, tinawagan na rin ako ni Steffy at sinabi niyang magkasama na sila. Pagpunta ko sa lokasyon nila nakita ko na nag uusap si Steffy at Lance kaso malayo ang pagitan nila,