Chapter one hundred twenty eight AVIANA’S POV’S Simula ng nawala si Jake dito sa buhay, hindi na ako nakatulog ng maayos, hindi na rin ako nakakain ng mabuti, palagi akong walang gana. Ang sabi sa akin ni yaya Rosing pumayat daw ako. Yeah I mean it, hindi naman kase ako masyadong nagkakain dahil namimiss ko si Jake, hindi ko siya makontak at hindi ko malaman kung saan siya nakatira. Nahihirapan akong hanapin siya, lalo pa at walang kaalam alam ang iba niyang kaibigan tungkol sa kanya at kung saan siya nakatira. Nagkulong ako ng ilang araw sa kwarto ko, tulala at balisang balisa, parang nawawalan ako ng pag asa sa buhay. Nagleave ako sa trabaho dahil hindi ko kayang magfocus, naiisip ko kase minuminuto si Jake, ang laki ng expectation ko sa relasyon namin tapos ganito ang mangyayari