Chapter seventy seven JAKE’S POV’S Binilisan ko maglakad para makapag usap kami ni Ava, deretso kaming dalawa sa kwarto dahil baka marinig ng mga kabahay namin. “ Akala ko ba hindi ka makikipag away?” “ Hindi naman ako nakipag away ah, siya itong—” “ Ava, narinig kitang sumigaw, sinaktan mo pa si Fhaida sa harap ng maraming tao, sa tingin mo maganda yun para sayo? Ikaw rin magmumukhang masama.” “ Wala akong ginagawa, siya itong gumagawa ng paraan para inisin ako, kanina ka pa niya nilalandi Jake, hindi mo ba napapansin?” “ Tinutulungan nga niya tayo eh, sinong asawa sa tingin mo ang pagtatakpan ang panloloko sa kanya? hind inga niya tayo binulgar sa lahat, tapos ikaw hindi mo matimpi ang sarili mo.” “ Ako nanaman ang mali? Ako nanaman ang nakikita mong masama? Bakit hinahayaan mo s