Chapter seventy eight AVIANA’S POV’S Bakit nagkakaganun si Jake? Hindi na ba niya iniintindi ang feelings ko? Masama ba magselos? Ako ang mahal niya kaya dapat ako ang kampihan niya. Pero bakit pakiramdam ko si Fhaida ang palaging tama ngayon sa kanya? Porke ba nagbago ang ex wofe niya at nagdamit mayaman paniniwalaan na niya? hindi kaya, nahuhulog nanaman ang loob ni Jake sa kanya? Hindi yun pwedeng mangyari, ayoko! Umiiyak ako ngayon dito sa kwarto habang iniisip ang mga ito, ang sakit kase na iparamdam sayo ng taong mahal mo na hindi ka niya kinakampihan. Kanina pa siya noong nasa wedding kami, hindi ba niya nahahalata yung panlalandi sa kanya ni Fhaida? Gustong gusto niya siguro kaya hindi siya nagrereklamo. Ayaw din niyang maniwala sa akin na may masamang balak si Fhaida sa am