Chapter one hundred twenty three FHAIDA’S POV’S Hindi ko sukat akalain na magpapanggap si Jake sa ibang pangalan para lang makapasok dito sa restaurant ni Lance. Hindi ko siya magawang itaboy dahil kailangan din namin ngayon ng magdedeliver ng mga orders, kahapon pa pala siya tinawagan ng kasama kong chef dahil naaksidente yung isa naming delivery boy. Hindi rin naman kami makahanap ngayon mismo ng papalit, alangan manghila kami ng kung sino sino lang lalo, may mga order na ngayon. Pinabayaan ko na lang si Jake na magdeliver basta hindi niya ako guguluhin, nakakailang lang kase dahil dito pa talaga siya nagtatrabaho. Paalisin ko rin yan kapag nagkaroon ako ng pagkakataon. Wala kaseng kaalam alam ang mga kasamahan ko sa trabaho maliban kanila Ella at Karen na asawa ko si Jake. “ Ate