Chapter one hundred twenty two FHAIDA’S POV’S Parang nagalit ata sa akin si Lance ng sabihin ko ang katoohanan. Paggising ko kase hindi ko na siya nakita ulit. Hinintay ko siya kaso madaling araw na siya bumalik sa bahay. Halatang nakainom dahil amoy alak siya pag uwi, ayoko naman magalit sa kanya dahil alam kong masama rin ang loob niya kagaya ko. “ Okay ka lang?” tanong ko sa kanya, tumango lang siya at pumasok sa loob ng kwarto, kakaiba ang ikinikilos ni Lance ngayon kaya hindi ko na siya kinulit. Ayoko naman makipag away o manumbat lalo at lasing siya. Humiga agad siya sa kama at natulog. Gusto ko ulit magsorry sa kanya kaso halatang lasing at pagod kaya hindi ko na siya inistorbo pa. Kinabukasan ang aga niyang nagising, nilutuan niya ako ng umagahan kaya dumiretso ako sa kitch

