Chapter one hundred twenty one JAKE’S POV’S Buong gabi akong nilagnat, wala man lang nag asikaso sa akin, napakahirap talaga mag isa, hindi ko rin kaya tumayo para kumuha ng gamot at bimpo. Nakahiga lang ako sa kama habang lamig na lamig. Hindi pa ako nag uumagahan, hindi pa ako nakakainom ng gamot, masama kase pakiramdam ko at masakit ang katawan kaya naman hindi ako makabangon. Sobrang hirap ang mag isa. Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw, malapit na pala magtanghalian pero hindi pa ako nakakakain. Pinilit kong bumangon upang asikasuhin ang sarili ko. Napatingin na lang ako sa may kusina habang inaalala ang asawa ko, kapag ganito na kase ang lagay ko ay palagi akong tinatabihan ng asawa ko, hindi niya binubuksan yung canteen tapos buong araw siyang nasa tabi ko. Kapag m