Chapter ninety five FHAIDA’S POV’S Halos isang oras kaming nasa kitchen at halatang inip na inip na sila sa amin, hindi naman pwedeng half cook lang yung gawin namin baka sumakit tiyan nila. Sinerve na ng mga crew yung pagkain at sumunod na rin kami ni Lance. Magkatabi kami ngayon ni Lance at katapat namin sila Jake at Ava. Masaya naman yung celebrant at ang daddy ni Lance kaso itong si Ava kanina pa masama ang tingin sa akin. Napapansin ko naman dahil iba ang pakiramdam ko, para kaseng sinusumpa niya ako sa isip niya habang nakatitig sa akin. “ Let’s eat.” Sabi ni Lance. “ Masarap talaga magluto si Fhaida.” Sabi ng daddy ni Lance, nakakatuwa dahil nagustuhan nila yung mga niluto ko. “ Syempre, kasama niya ako kaya inspired siya sa kusina.” Sumabat pa si Lance, siniko ko siya ng pa