Chapter ninety four FHAIDA’S POV’S Hindi kami nag iimikan ni Lance habang papasok dito sa condo unit ko, siya ang nagbitbit ng mga pinamili ko kanina. Hindi ko rin inaasahan na lalapitan niya ako, nabigla na lang ako dahil kinuha niya yung mga bitbit ko. “ Umm, dito ka muna, magluluto kase ako ng ulam, dito ka na kumain.” “ Okay sige, babalik ako, magbibihis lang.” Bakit ganun? Dati naman wala kaming hiyang nararamdaman sa isat isa, pero ngayon pakiramdam ko nagkakahiyaan na kami. Lalo kanina, sa sobrang taranta ko rin ako na nagsara ng zipper niya, nakakahiya talaga, sana pala kinuha ko na lang mga pinamili ko at siya na lang nagsara. Nasagi ko tuloy. Pero sagi lang ah, hindi ko nahawakan. Hays, magluluto na lang talaga ako, ayoko mag isip ng ganun, nakakahiya talaga. Alam ko na