Chapter one hundred forty FHAIDA’S POV’S Hindi ako mapakali ngayon dahil nasa iisang sasakyan lang kami ni Jake tapos si Lance hindi man lang siya nagtetext o tumatawag, ewan ko ba kung kampante lang talaga siya at may tiwala sa akin o wala siyang pakealam na. Kung anoa no na naiisip ko, nagbago nanaman kase ang ugali ni Lance nitong mga nakaraang araw, nakapagtataka lang dahil parang mas malala yung pinoproblema niya ngayon dahil minsan may nakikita akong basag na baso sa kwarto o kaya may bote ng alak sa gilid ng higaan namin. Sobra bang nakakastress ang trabaho niya? “ Ayos ka lang ba Fhaida?” tanong sa akin ni Jake, malayo kami sa isat isa pero mukhang napapansin niya ang bawat kilos ko. “ Oo.” “ Baka nilalamig ka, hiramin mo muna itong jacket ko.” “ Hindi na.” Inaalala ko kas