Chapter one hundred forty one FHAIDA’S POV’S Kaarawan ko ngayon, maaga akong nagising dahil naghanda ako ng umagahan, ganito naman ako palagi tuwing sumasapit ang kaarawan ko. Gusto ko kase pagsilbihan ang mahal ko s aumaga kaya nagluto ako ng marami. Ang saya ng umaga ko ngayon, wala akong iniisip na problema, ayoko masira ang araw ko kakaisip ng kung anoa no. “ Ang aga mo naman gumising iha?” “ Good morning yaya Rosing.” “ Ikaw ba naghanda lahat ng iyan?” “ Opo, para sa ating lahat.” “ Aba anong meron?” “ Wala naman po.” Nakakahiya naman na sabihing birthday ko, para naman akong nagpapapansin nun, hahayaan ko na lang na malaman nila kesa magpapansin, mas okay din na si Lance ang makaalam kung anong meron ngayong araw, siguro naman hindi niya ito makakalimutan. Sunod sunod sil