Chapter twenty nine FHAIDA’S POV’S Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng bahay, namumugto ang mga mata ko ngayon dahil habang naglalakad ako ay naiiyak ako dahil sa mga narinig ko kanina. Nandito na si Jake, nauna siyang umuwi kesa sa akin, imbes na dumiretso siya sa kainan at sabay sana kaming umuwi ay nauna na siya dito sa bahay. “ May dala akong ulam, kumain ka na.” Dumiretso ako sa kusina at tinignan yung ulam na sinasabi niya, mukhang kumain siya sa restaurant, halata naman dahil sa ulam. Hindi ako umiimik, hindi ko alam kung paano uumpisahan ito. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit, pagkatapos ay kumain na ako, hindi ako nagsasalita dahil ang daming tanong sa utak ko pero hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. “ May sakit ka ba?” tanong sa akin ni Jake.