Chapter twenty eight FHAIDA’S POV’S Natatakot ako na maabutang walang tao sa bahay. Baka lasing nanamang bumalik si Jake. Pero mali ako ng hinala, nasa sala siya ngayon at nanunuod ng basketball, naginhawaan ang pakiramdam ko. “ Nandito ka na pala.” “ Kanina pa.” “ Ah eh, pasensya na hindi ako nakaluto, pumunta kase ako sa canteen, akala ko kase magagabihan ka nanaman.” Hindi na siya sumagot, busy siya manuod. Nagbihis na ako at naghain ng makakain kaso hindi siya sumabay sa akin kumain, manunuod daw muna siya. Naalala ko palagi niya noon binabanggit sa akin na magkaroon na kami ng anak. Gawin na kaya namin mamaya? Hindi naman siguro niya ako tatanggihan pagdating sa s*x, palagi niya akong inaaya noon kaya ako naman ang mag aaya ngayon. Nag asikaso na ako sa lahat para makaligo