Chapter twenty seven FHAIDA’S POV’S Day off ng asawa ko ngayon at sinabi ko sa mga kasamahan ko na sila muna ang magbantay sa kainan dahil gusto ko naman magkaoras kay Jake. Naglinis kami ng buong bahay pagkatapos naming mag almusal. Hindi niya ako kinakausap kagaya ng dati, ginagawa ko lang naman yung mga dati naming ginagawa, tuwing naglilinis kami ng buong bahay kapag off niya nagkwekwentuhan kami. Minsan naman namamasyal. Pero simula kanina hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, galit pa rin ba siya sa akin? “ Alam mo ba Jake ang dami na ulit customer ng kainan, sabi kase mas masarap luto ko kesa sa kabila, may nakuha kaseng buhok sa ulam doon sa kabilang kainan kaya naglipatan sila sa atin.” “ Ah.” “ Nabayaran ko na rin yung bill ng kuryente kanina kase tuloy tuloy yung maga