Chapter one hundred nineteen FHAIDA’S POV’S Hindi ako makaimik dahil nag aaway nanaman sila Lance at Jake, inaawat lang ni Ava kahit na tinutulak na siya ni Jake palayo sa kanya. “ Huwag ka ngang tanga ate! Kita mo naman na ayaw na niya sayo.” Sabi ni Lance kay Ava. “ Gusto niyang magkabalikan sila ni Fhaida tapos ipagsisiksikan mo pa rin sarili mo s ataong kagaya niya? gumising ka nga!” “ Mahal ko si Jake! Wala kang alam sa nararamdaman ko Lance.” Lumapit ulit si Ava kay Jake. “ Mahal, diba nabibigla ka lang kaya ka nakipaghiwalay sa akin? Diba? Sabihin mo sa akin ang totoo, tatanggapin pa rin kita.” Parang tanga si Ava na naghahabol, nakakaawa tuloy siya, hindi nan ga siya nililingunan ni Jake at kinakausap pero habol pa rin siya ng habol. “ Gawa gawa mo lang ang lahat ng sinabi mo