Chapter one hundred fifty seven JAKE’S POV’S Si Fhaida na mismo ang lumapit sa akin para hingiin ang tulong ko, hindi ko naman ito gagamitin para makuha siya ulit. Gagawin ko to para makabawi lang din sa mga pasakit na ginawa ko sa kanya, yun lang. Kailangan kong mapalapit muli kay Ava, kakaibiganin ko lang siya, hindi ako makikipagbalikan sa kanya, baka umasa kase yun ng kasal lalo pa at alam niyang annulled na ako kay Fhaida. Dati kase palagi ko siyang nakikitang nakasilip sa labas ng restaurant, alam kong sasakyan niya yung araw araw na pumupunta dito pero hindi siya bumababa. Nitong nakaraan lang siya naglakas loob makipag usap sa akin pero tinaboy ko siya, hindi ko alam kung pupunta siya ulit dito ngayon. Kukunin ko ang pagkakataong iyon para mapalapit ulit sa kanya, at sana