Chapter forty six LANCE POV’S Ang tahimik ni Fhaida habang nasa byahe kami, halatang nasaktan sa nangyari kanina sa kanila ng asawa niya. Kaya kong magpalit palit ng babae pero hindi ko kayang sabay sabay, magkaiba yun, at magkaiba kami ng asawa ni Fhaida, hindi ko kayang manloko ng sabay, mas okay na magpalit every one hour hahaha biro lang. Huminto ako dahil nabibingi ako sa katahimikan, sakto naman na mamihan yung nahintuan ko. “ Gutom ka nanaman?” tanong sa akin ni Fhaida. “ Nakakamiss kumain sa open air.” Kahit na may pera akong panggastos sa mga mamahaling restaurant mas gusto kong kumain sa mga ganitong lugar dahil si mama mahilig din siyang kumain sa mga kainan sa gilid gilid. “ Tara?” hindi naman ako gaanong gutom, gusto ko lang bumaba kase ang tahimik ni Fhaida. “ Ikaw n