Chapter forty seven FHAIDA’S POV’S Inayos ko na lang yung mga kalat nila ng kunin nila ng sapilitan ang mga gamit dito sa bahay, tinapos ko na rin ang labahin ko. Akala ko makakapagpahinga ako ngayon dahil day off ko pero sinira nila Ava at Jake ang araw o. Ang hirap lang tanggapin talaga na yung taong promoprotekta sayo noon siya na ngayon ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ng sobra. Napanghihinaan ako ng loob pero pinipigilan ko ang sarili ko na madown dahil hindi maaaring api apihin na lang ako ng isang kabit na kagaya ni Ava. Mayaman nga siya. Maganda. Sexy. Pero pumatol pa rin siya sa may asawa at kasalanan yun sa tingin ng Diyos, kaso parang wala lang sa kanila ang ginagawa nilang kasalanan. Proud pa silang dalawa at nagagawa pa nilang magdate sa public places. Kinabukas