Chapter forty eight LANCE’S POV’S Inayos namin itong kainan niya, nilagyan ng maliit na kwarto para matutuluyan niya, ayaw naman kase niyang tumuloy sa amin kaya hindi ko na siya pinilit. Pwede ko naman siyang itago kay ate. “ Hahanapan kita ng malilipatan.” “ Lance.” Banggit niya. “ Yes?” “ Salamat.” “ May bayad to loko, hindi ako libre.” Pagbibiro ko. “ Magbabayad naman ako ng utang na loob sayo huwag lang yung ano—” “ Ano?” “ Yung gusto ng mga lalaki.” “ Hahaha baliw ka, hindi yun ang hinihingi ko.” Grabe siya sa akin, ganun na ba tingin niya sa akin, mukha ba akong manyak? Pero sa totoo lang manyak talaga ako haha. “ Umpisahan muna natin sa sarili mo, malapit na matapos ang training niyo, magpatayo ka ng sarili mong restaurant.” “ Pero, wala akong puhunan para doon.” “ Ed