Chapter one hundred forty seven LANCE POV’S Napakademanding ni Steffy, kung ano anong kailangan sa akin at gusto niya ako pa talaga ang bumili. Hindi ko siya sinunod kaya pumunta siya dito sa hotel. Pero hindi ko na talaga siya pinapasok dito sa loob ng hotel dahil nakita na siya ni Fhaida noong nakaraang araw, nagtaka nga ako kung paao niya nalaman na may kasama akong babae. Pumunta ba talaga siya dito? Hindi ko naman siya napansin noon, hays. Sigurado nagdududa na siya sa akin. Napakakulit kase ni Steffy, sinasadya niyang pumunta dito para guluhin ako, hindi ko talaga siya hinayaan na manggulo dito kaso wrong timing talaga, mukhang nagkita nanaman sila ni Fhaida. Nakakataranta talaga, hindi ko alam ang gagawin dahil nasal abas ng hotel si Steffy habang si Fhaida naman bigla bigla na