Chapter one hundred forty six FHAIDA’S POV’S Gusto ko sana pumunta sa opisina ni Lance kaso may trabaho rin ako, kagabi ko pa iniisip yung Steffy na sinasabi niyang kakilala niya. Nauna na si Lance pumasok dahil may meeting siya ng maaga, nasa kwarto palang ako at nag aayos ng gamit ko. Habang naglalakad ako sa kwarto may napansin akong parang calling card, basta maliit lang na nasa may sahig malapit sa kama namin ni Lance. Kinuha ko ito at binasa, pagtingin ko may nakalagay na OB sa baba ng pangalan na nakasulat dito sa hawak ko. Doctor ng mga buntis yun diba? Paano nagkaroon ng OB doctor si Lance? Hindi naman sa akin itong calling card. Tinago ko yung calling card sa may bag ko, nacurious ako masyado kaya ko yun ginawa, nagtataka ako bakit may OB na calling card si Lance. Ang dam