Chapter one hundred forty five JAKE’S POV’S Binalewala ko yung nakita ko noong nakaraang linggo, kase hindi naman ako sigurado kung si Lance ba talaga yun. Tinuon ko ang atensyon ko kay Fhaida at sa trabaho ko, masaya naman siya araw araw, hindi ko nga lang alam kung nagkukunwari lang ba siya o hindi. Basta palagi akong nakabantay sa kanya, dahil kapag may kailangan siya gusto ko ako ang tatawagin niya, wala naman dito si Lance kaya ayos lang. Tsk, ako yung legal na asawa pero ako pa yung parang walang karapatan, kung sabagay, sa papel na lang kami legal ngayon ni Fhaida. Magdedeliver ako ngayon sa hotel kung saan ako nanggaling, ang ibig kong sabihin ay sa hotel na pagmamay ari nila Lance. Kaso hindi ako sa harap dumaan dahil nahihiya akong magpakita dito kaso no choice ako, may gw