CHAPTER 38 Nataxia Serofinna Lucian’s POV “Baby? May para sayo raw ito, inabot ‘yan sa ‘kin kanina ng isang kawal.” Napatingin naman ako kay Mamita dahil sa sinabi n’ya kaya napaupo ako sa pag-ka-ka-higa sa kama ko. Gusto kong matulog ng maaga dahil mag a-alas otso na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kahit anong oras na ako nakatulog kagabi. “Naistorbo ko ba ang pag-pa-pa-hinga mo? Heto, basahin mo muna dahil baka importante ‘yan.” Huminto s’ya sa gilid ng kama ko at inabot sa ‘kin ang isang puting sobre. Tinanggap ko naman kaagad iyon. “Hindi naman mamita, hindi kasi ako makatulog.” “Gusto mo ba, mag-ha-handa ako ng gatas?” Tanong ni Mamita sa ‘kin kaya ngumiti ako sa kan’ya sabay napatango. “Okay baby wait lang.” Tinalikuran na n’ya ako kaya tinitigan ko ang sobreng hawa