BUMIYAHE na uli ako pabalik sa hideout namin at matutulog uli ako dahil ang aga pa. Med’yo makapal pa nga ang hamog habang nag-d-drive at nabasa ng bahagya ang tuktok ng ulo ko. Paakyat naman ako ng hagdan ngayon habang nilalaro-laro ang susi ng motor ko. Then after few minutes, huminto ako sa tapat ng hideout sabay kumatok ng dalawang beses. I yawned again and I am a little bit teary eyed. Dahil kulang ako sa tulog kaya ako naluluha, hindi naiiyak. Itutulog ko na lang ‘to para hindi na ako mag-isip ng kahit ano. “Metal, the breakfast is ready. We’ve been waiting for you,” bungad sa ‘kin ni Gold kaya pumasok na ako sa loob. Napansin ko naman kaagad ang umaalingasaw na mabangong amoy ng ramen na nang-ga-galing sa kusina. Sh!t, I am stuck between sleep or eat but, food will always win