CHAPTER 35 Yiroel Cayden’s POV (Diamond) PALIHIM kong sinusulyapan ang ungas na Heneral habang naka-upo lang s’ya sa isang upuan. Titig na titig lang sa mga librong naka-lapag sa malawak na study table dito sa gitnang bahagi ng library ng Prinsesa. Ang lawak ng silid na ‘to, punong-puno ng mga iba’t ibang klaseng aklat. Parang kisame lang yata ang walang libro. Napa-ngisi na lang ako dahil paano na lang kung nasa itaas ang librong kakailanganin ko? Hindi ko talaga gagamitin ‘tong hagdan na nasa gilid ko, ayaw ko pang mamatay. Ilang minuto na rin ang nakalipas at naka-sandal lang ako sa shelf at may hawa-hawak na librong hindi ko alam. Kanina ko rin sinusulyapan ang Heneral na parang ang lalim ng iniisip. But it’s too obvious, he’s a little bit... depressed right now. “General, why