CHAPTER 34 Nataxia Serofinna Lucian’s POV (Maria Hades) AGAD kong tinayo ng maayos ang sarili ko na’ng sinara uli ni General Athlas ang sikretong lagusan papunta dito tower. Hinarap ko naman kaagad ang kinaroroonan ng library ko. Halos lalabas naman ang puso ko dahil sa bahing ng kasama ni Valentino. Nandito pa naman si Dad! “Nataxia, I said what was that? I heard something just now,” sabi pa ni Dad habang nag-la-lakad palabas ng library na hindi kalayuan sa ‘kin at kinagat ko na’ng bahagya ng ibabang parte ng labi ko. “Uh, nothing. I was just... I am not feeling well,” sagot ko sa pormal na pananalita sabay umaktong hinahawak-hawakan ang ilong ko habang papalapit at papalapit s’ya sa ‘kin. “I’ll get some medicine,” tugon n’ya sa seryosong boses sabay umiba ng direks'yon at tinungo