MAKALIPAS ang ilang minutong biyahe, naka-rating na kami sa palas’yo at hindi ko nabuka ang bibig ko sa sasakyan. Pinapalakas nila ang loob ko, pero lutang ang isip ko dahil mag-si-simula nanaman ang routine ko kagaya ng dati. Makukulong nanaman ako sa k’warto, tutunganga. “Welcome back, your highness. Call us if you needed something,” bungad sa ‘kin ng personal maids ko pag-ka-pasok ko sa k’warto. Naka-tayo sila sa harap ko habang naka-yuko ng bahagya. Naka-suot sila ng white long-sleeve na dress at may naka-bigkis na black apron sa balakang nila banda. Hindi ako nag-salita at nilagpasan ko lang sila. “Just leave my things here, Hero,” sabi ko sabay dire-diretsong tinungo ang terrace. “After that, call my mom,” dagdag ko pa sabay umupo sa sofa. Kung hindi ko makumbinsi si Dad, susubu