Sa may port kami nagkita-kita ng iba pang mga tauhan. Ang isang grupo na humiwalay nang nakaraan ay may mga bitbit ngayon na mga ecobags at karton. Mukhang nag-grocery sila ng pagkain para sa ilang araw. Humangin ng malakas kaya mabilis kong hinawakan ang laylayan ng aking palda, upang hindi ito lumipad at baka makita pa nila ang aking tinatago. Umupo ako sa dulong parte nitong vessel habang nanatiling yakap ang jar. Naupo din si boss sa tabi ko. "Thank you again." Hindi siya sumagot ngunit nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Lalo na sa kaniyang tagiliran na mayroong sugat. Sa buong buhay niya, ilang beses na siyang tinamaan ng baril? Buti at nagagawa niyang makaligtas. Masamang damo, that's why, sagot naman ng kaliwang bahagi ng aking isip. Pinikit niya ang kaniyang mga mata haban

