Ilang minuto din ang inabot ng barilan. Narito ako sa banyo at halos hindi na gumagalaw sa sulok habang hinihintay na humupa ang palitan ng putok ng baril. Gaano ba kadami ang kaaway ni boss? Kararating lang namin dito, may nakaabang na agad na kalaban. "Tapos na ba?" tanong ko nang magbukas ang pintuan. Nanatili akong nakaupo sa dulo ng banyo habang yakap ko ang aking sarili. "No. We need to leave." "Huh? Natatakot ako. Dito lang ako." Naiinip at nauubusan na siya ng pasensya. "Candy," seryoso niyang tawag sa aking pangalan. Kapag lumabas ako, baka paulanan ako ng baril. Hindi pa ako handang mamatay. "No. We should abandon this place. Come on." Nilahad niya ang kaniyang kamay. "Don't be afraid." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Inabot ko ang kamay niya upang doon kumuha

