TULOG na ang dalawang maid. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi sila nagising. Hinayaan ko na lang sila, dahil naiistorbo ko ang ibang maid na natutulog. Nagtimpla ako ng gatas sa kitchen. Nilagyan ko ito ng ice cube para masarap. Ininom ko na din rito saka ako umakyat sa aking silid. Bukas ang pintuan ng aking silid. At sa gitna ng kama ay nakahiga si Morgan. Humihilik na ito at kahit siguro sapakin ay hindi magigising sa dami ng nainom na alak. Lumapit ako upang kunin ang isang unan. Kinuha ko din ang quilt dahil malamig ang buga ng aircon. Pinagmasdan ko pa siya ng ilang sandali. Kumibot ang aking labi. "Why are you like this to me? Sometimes we're okay. You're not that sweet but I can feel that we have a thing. Then, you're cold again. You're making me feel fall for you. Paasa k

