ILANG ARAW din akong nagkulong sa aking kuwarto. Dinadala ng mga maid ang pagkain ko rito. Umaakyat din dito si Manang tuwing umaga upang kumustahin ako. Wala akong gana sa lahat. Tinitignan ko lang sila. Pinapakinggan ngunit hindi nakikipag-usap. For days, wala ding Morgan na nagpakita sa akin. Ganoon din si Sphinx. Si Sion, ayaw kong marinig ang pangalan niya. Kapag nakita ko siya, tiyak na magkakaroon lang ng part two ang away naming dalawa. "Maligo ka na, ang baho mo na..." "Kaya nga. Amoy daing ka na, be!" Binibiro ako ng dalawa. Huminga ako nang malalim at kahit alam ko naman na biro iyon, hindi ko magawang matawa. Hindi din naman ako naiinis. Nakakatamad lang talagang mag-react. "Gusto mong magsimba? Maligo ka na." "Oo nga. Tara na. Kami na ang magpapaligo sa'yo. Kami na

