"Hija, kumain ka na muna." Nakatulala lang ako habang nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Hindi ako gumagalaw at kahit tingnan si Nanay Gloria ay hindi ko ginawa. Nagdala siya ng pagkain. Puno ang tray pero kahit tatlong kainan na akong kumakain, wala akong gana. Hindi man lang ako natatakam. "Hindi po ako nagugutom, Nanay." Umupo ang matanda sa tabi ko. Inabot niya ang aking kamay at minasahe ito ng bahagya. "Pakitawagan po si Morgan. Sabihin niyo po na gusto kong lumabas." She did. Hindi matagal ang pag-uusap nila. Pumayag agad ang lalake. But when Nanay was about to ask him about things, he just hang up. Nagbihis ako. Sinama ko ang dalawang maid sa akin. May apat ding mga bodyguard na nakabuntot sa akin. At sa pagkakaalam ko, may invisible bodyguard din ako. Wala nam

