Nakaligo na ako at nakapagpalit ng damit. Dahil hindi ko naman naubos ang sandwich kanina dahil sa pagsulpot ni Morgan, hindi ako nabusog. Lumabas ako ng aking silid upang bumaba sana at kumuha ng pagkain, kaso nadatnan ko ang dalawang maid na nakatayo sa labas. Nagtataka akong tumingin sa mga ito. Nang magsalita sila, saka ko lang nalaman ang dahilan kung bakit sila narito. "Mula po ngayon, kami na po ang personal maid mo." Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit?" Sa pagkakaalam ko, wala akong karapatan sa pamamahay na 'to. Tapos bigla akong nagkaroon ng personal maids. Maids dahil dalawa sila. Na-promote na ba ako? From Morgan's w***e into a mistress of this house? "Utos po ni Sir Morgan. Si Manang Gloria po ang pumili sa amin." Hindi ko naman kailangan ng personal maid. Kinagat

